Dinagsa ng mga opisyal at mga ordinaryong mamamayan ang libing ni dating Senator Miriam Defensor-Santiago kahapon.

Mula sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City, sinalubong ng mga mamamayan ang funeral ni Santiago hanggang makarating sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Sa simbahan, kinilala ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani ang pagiging tunay na public servant ni Santiago. Binanggit nito na pinangibabaw ni Santiago ang kabutihan, kaya naman siya ay itinuring na prinsesa ng mga Filipino.

Si Father Aris Sison ang pinal na nagbasbas sa mga labi ng Senadora.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bukod sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno, dinagsa rin ng mga kabataang nagsuot ng kulay pula, na campaign color ng Senadora noong Mayo 9, ang libing.

Si Santiago ay inalayan ng 21-gun salute bago ihimlay sa tabi ng kanyang anak na si Alexander.

Si Santiago ay nakilala bilang graft buster at Iron Lady of Asia.