IN-ANNOUNCE ng Broadway World na kasali sa cast ng Miss Saigon sa Broadway si Rachelle Ann Go. Nasa breaking news ng Broadway World ang, “Rachelle Ann Go & Devin Ilaw Join Miss Saigon on Broadway.”

Nag-tweet din si Rachelle ng, “I think I’m really going to BROADWAY!!!! Aaaaah.”

Nang mag-backout si Rachelle sa Divas concert, marami ang nag-akalang dahil ito sa Broadway stint niya at tama ang kanilang hinala. That time, hindi pa sinasabi ng management ni Rachelle ang dahilan ng kanyang pagba-backout sa concert sa November.

Gagampanan pa rin ni Rachelle ang role ni Gigi sa Miss Saigon sa Broadway at si Devin ay gagampanan pa rin ang role ni Thuy. Nakalagay sa Broadway World na magsisimula ang Miss Saigon sa Broadway sa March 23, 2017 na opening night  sa Broadway Theater at tatakbo hanggang January 14, 2018.

Tsika at Intriga

Pagbulaga ni Alden Richards sa 'It's Showtime,' pinagtaasan ng kilay

Kasama pa rin sa cast sina Jon Jon Briones as the Engineer and Eva Noblezada as Kim na parehong may dugong Pinoy.