Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)

7 n.g. -- Talk ‘N Text vs Meralco

(Meralco, 2-1 bentahe)

Meralco's Allen Durham commits an offensive foul to TNT's Harvey Carey during the PBA Semifinals Game 3 match at Smart Araneta Coliseum, October 1, 2016 (Rio Leonelle Deluvio)Isang panalo para sa minimithing kampeonato. Isang laro para makumpleto ang ‘cinderella story’.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Tangan ang 2-1 bentahe, target ng No.4 Meralco Bolts ang unang final slots sa pakikipagtuos sa top seed Talk ‘N Text sa krusyal Game 4 ng kanilang best-of-five semifinal series sa OPPO-PBA Governor’s Cup ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Nakatakda ang duwelo sa 7:00 ng gabi.

Nakuha ng Bolts ang kalamangan sa serye nang pabagsakin ang Katropa, 119-113, sa Game 3 nitong Biyernes.

“It’s a great team effort. I couldn’t get proud of my boys for getting over the hump,” pahayag ni Bolts coach Norman Black.

“It’s not yet over. We need another effort like this to make us realize our dream to reach the championship,” aniya.

Ayon sa dating PBA Best Import ng liga at awtor ng makasaysayang 5-peat ng Ateneo sa UAAP, walang masama kung mangarap kung kaya lalakihan na nila ang  kanilang hinahangad.

“Why not dream big? Why not think big?” aniya.

Sa kabilang kampo, hindi naman natitinag ang Katropa sa kabila ng pagkakaiwan nito sa serye.

“Best of 5 naman ito di ba? So, hindi pa tapos.Tingnan na lang natin kung papasok ulit ang kanilang mga shots,” pahayag ni Katropa ace guard Jayson Castro.

Bukod kay Castro, sasandigan ang TNT para itabla ang serye sina Ranidel de Ocampo, Larry Fonacier, Moala Tautuaa, import Mychal Ammons at Troy Rosario.

Tatapatan naman sila ng determinadong sina import Allen Durham, Reynel Hugnatan, Jimmy Alapag, Baser Amer, Chris Newsome at Cliff Hodge. - Marivic Awitan