Ang panlinis na ating ginagamit ngayon ay maaaring may manual predecessor, ngunit ang unang modernong gamit, isang “pneumatic carpet renovator,” ay inimbento ni John S. Thurman noong 1898. At noong Oktubre 3, 1899, pinagkalooban siya ng patent (US No. 634, 042) para sa kanyang gasoline-powered vacuum cleaner.

Bago iyon, nagsimula si Thurman sa isang horse-drawn vacuum system na mayroong door to door service sa St Louis, Missouri. Hindi nagtagal ay nag-aalok siya ng vacuuming services sa halagang $4 noong 1903.

Sa nasabing vacuum cleaner ni Thurman, ang mga alikabok ay liliparin sa isang lalagyan at hindi hinihigop gaya ng mga vacuum ngayon.
Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid