Ni REGGEE BONOAN

tony-at-boom-labrusca-copyPALAISIPAN sa amin kung ilang taon na ang aktor na si Boom Labrusca dahil may anak na pala siyang lalaki na 21 years old na at kung hindi pa sumali sa Pinoy Band Superstar ay hindi pa malalaman ng tao.

 

Yes, Bossing DMB, guwapo at malaki ang tsansa ni Anthony “Tony” Labrusca na mapasama sa finals ng PBS dahil nasa kanya ang lahat ng qualities na bagay maging boyband member.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

 

Sabi nga ni Aga Muhlach noong pinagbobotohan ng girls si Tony, “Sana kumakanta, ‘no? Sana kumakanta”, na sinang-ayunan naman ng kapwa niya huradong sina Yeng Constantino, Sandara Park at Vice Ganda.

 

Kung hindi kami nagkakamali ay si Tony ang nakakuha ng pinakamataas na score na 98% na ikinagulat ng apat na hurado dahil sa sobrang taas. Marahil ay nakuha ni Tony ang boto ng girls nang tumambling siya, kasi nga isa raw ito sa talent niya dahil gymnast pala siya.

 

At dahil pamilyar ang apelyido niya ay tinanong siya ni Vice kung ano ang relasyon niya kay Boom. Inamin niyang biological father niya ang aktor at bata pa raw siya nang huli niyang makita ang ama.

 

May dahilan naman kaya hindi nagkikita ang mag-ama, kasi sa Canada pala lumaki si Tony na ang ina ang nagpalaki kasama ang kanyang stepdad.

 

Maraming katanungan sa sarili si Tony, umuwi siya ng Pilipinas para malaman ang kasagutan sa mga ito.

 

“Sana ito na talaga ang simula para mahanap ko na lahat ng kasagutan ko sa buhay,” aniya.

 

At nalaman din ng mga hurado na nakuha ni Tony ang talent niya sa pagkanta sa mama niya na dating miyembro ng Kulay Band na kinabilangan din ni Rada. 

Kasama ng binata ang kanyang ina na nagpakitang mahusay ding kumanta.

 

Pagkatapos kumanta ni Tony ay saka tinawag ni Billy Crawford si Boom na naroon din kaya nagkita na sa wakas ang mag-ama.

 

In fairness, parang magkapatid lang sina Boom at Tony at magkasing-tangkad din.

 

“I really don’t know kung ano iyong dapat kong maramdaman. Kasi nu’ng first na nakita ko iyong tatay ko, parang hindi ko maiiwas na he’s my blood. Kaya kahit parang stranger siya sa akin, I see so much of myself in him,” teary-eyed na sabi ng binata.

 

“I’m so proud of you,” pahayag naman ni Boom. “For now, I just want to tell you na ang galing mo.”

 

Pinasalamatan din ni Boom ang nanay ng kanyang anak sa magandang pagpapalaki nito kay Tony.

 

Biniro pa nga ni Vice na magaling nga raw kumanta ang anak ni Boom at ibinigay ng aktor ang credit sa ina ng bata.

 

Sabi ng aktor, “Si God kasi, may mga ways iyan. So dati, hindi natin mapipilit iyong mga bagay na wala pa doon, eh. At least now nandito na siya, everything’s okay, and maybe from there, alam mong magkaayos-ayos ang lahat.”

 

Anyway, kung 21 na si Tony, ibig sabihin ay edad 18 naging tatay si Boom. Dahil ang alam namin ay mga nasa 39 pa lang ang aktor ngayon.

 

Samantala, engaged na si Boom sa aktres na si Desiree del Valle.