Dapat patawan ng pamahalaan ng mas mababang buwis at padaanin sa simpleng proseso ang maliliit na negosyo.

Ayon kay Senator Bam Aquino, dapat isama ng pamahalaan sa tax reform package nito ang reporma sa buwis ng maliliit na negosyo.

“With all the support from the executive, we’re certain the personal income tax reform will be passed. What we should also focus on is the Small Business Tax Reform Act, na makakatulong sa mga maliliit na negosyo na nagsisilbing kabuhayan ng maraming pamilyang Pilipino,” ayon kay Aquino.

Sa panukala, ang maliliit na negosyo na kumikita ng mababa sa P300,000 ay hindi sisingilin ng income tax, habang 10 porsiyentong income tax naman ang kukunin sa kumikita ng P300,000 hanggang P10,000,000.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Bukod dito, hinihiling na huwag nang singilan ng value added tax ang small and medium enterprises.

Sa Kamara, kinontra naman ni Iloilo City Congressman Jerry Trenas ang panukala ng Department of Finance (DoF) na tanggalin ang value-added tax (Vat) exemptions ng mga senior citizen.

Sa halip na gawin ito, sinabi ni Trenas na mas mabuting remedyuhan ng DoF ang mga butas sa pangungulekta ng buwis.

“This DoF proposal is anti-poor and a complete opposite of what President (Rodrigo) Duterte wants for our people,” ani Trenas. - Leonel M. Abasola

at Bert de Guzman