Nanguna sina top seed Julius Gonzales,Daniel Quizon at John Ray Batucan sa kani-kanilang division, habang kumana sin a Kylen Joy Mordido, Jerlyn San Diego at Laila Nadera sa female side ng Shell National Youth Active Chess Championship grand finals nitong weekend sa SM Megamall Event Center.

FRAYNA’S MOVE! – Pinangunahan ni RP’s first Women Grandmaster Janelle Mae Frayna ang ceremonial move kontra Melanie Bularan (kanan), Social Investment and Social Performance manager ng Shell Group of Companies, habang nakamasid sina (mula sa kaliwa) Gene Poliarco, chief arbiter; GM Jayson Gonzales and GM Eugene Torres sa 24th Shell National Youth Active Chess Championship nitong weekend sa Event Center ng SM Megamall sa Mandaluyong City.

Ginapi ni Gonzales ng La Salle Greenhills si Earl Mantilla, habang nakihati ng puntos kina Romeo Canino at Dale Bernardo bago muling nanalo kina Kylen Joy Mordido, Carl Sato at Istraelito Rilloraza at muling nakipagtabla sa kay Chris Pondoyo sa ikapitong round para manguna sa juniors category tangan ang 5.5 puntos.

Nakabuntot sina Sato at Pondoyo na may tig-5 puntos, habang magkasalo sina Canino at Van Paler na may tig-4.5 puntos may dalawang round pa ang nalalabi sa nine-round Swiss system finals na tinampukan ng 48 player na pawang nagsipagwagi sa isinagawang regional elimination sa torneo na itinataguyod ng Pilipinas Shell.

Pinangunahan nina RP’s first Women Grandmaster at Asia’s first Grandmaster Eugene Torre ang ceremonial moves kasama si Melanie Bularan, Social Investment and Social Performance Manager of the Shell Group of Companies.

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Nangunguna naman sina Quizon at Batucan sa kiddies at seniors title tangan ang 1.5 puntos na bentahe sa torneo na itinataguyod din ng National Chess Federation of the Philippines.

Winalis ni Quizon, pambato ng San Miguel, Dasmariñas Elementary School, ang unang pitong laro para sa 1.5 puntos na bentahe sa pangalawang si Michael Concio, Jr.

Nadomina naman ni Batucan ng University of Mindanao ang 17-20 age bracket tangan ang 6.5 puntos.