Unti-unting umuusbong ang mga sports na ninanais mailaro sa inoorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) na family-oriented at grassroots community development program na Laro’t-Saya sa Parke, Play ‘N Learn na ginaganap sa iba’t-ibang parke sa bansa.

Ito ay matapos humiling ang mga kabataan na isama ang larong sepak takraw at 3x3 basketball.

Halos napuno naman ang Burnham Green na lugar ng Laro’t-Saya sa Luneta Park sa nagsisali na kabuuang 648 katao sa popular na Zumba habang may sumali sa arnis (16), badminton (105), chess (80), football (80), karatedo (10), lawn tennis (26), volleyball (78) at senior citizen (3) para sa kabuuang 1,066 kalahok.

Umabot naman sa kabuuang 480 katao ang nakilaro at nakisaya sa Quezon City Memorial Circle kung saan sumali sa Zumba ang 422, badminton (7), chess (30), football (9), volleyball (9) at senior citizens (12). - Angie Oredo

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe