Ni JIMI ESCALA

VERY promising ang bagong leading lady ni Coco Martin sa numero unong primetime teleseryeng FPJ’s Ang Probinsiyano na si Yassi Pressman. 

Halos lahat ng entertainment press ay iisa ang nakikita nila sa aktres -- may mararating. 

Sa presscon ng serye na bahagi ng kanilang selebrasyon sa isang taon nang pamamayagpag at pagiging number one, ganoon na lang ang pasasalamat ni Yassi dahil naging bahagi raw siya ng FPJ’s Ang Probinsiyano. 

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Pero mas interesado ang lahat na malaman kung may posibilidad ba raw na maging “sila” ni Coco sa totoong buhay. Knowing Coco raw na very lovable kaya madaling ma-in love sa kanya ang leading ladies niya.

“Hindi ko po alam. Basta ang alam ko, eh, napakabait ni Coco, very passionate at alam naman ninyong lahat na napaka-hard working niyang tao,” banggit ni Yassi nang makausap ng reporters pagkatapos ng presscon proper. 

Pero aminado si Yassi na simula nang mapasama siya sa cast ng Ang Probinsiyano ay naging malapit na sila ng Primetime/Drama King. 

“Well, kasi dahil we have to work closely for the show. Sa totoo lang din naman kami ni Coco, nag-meet po kami sa set lang ng Probinsyano. Doon ko rin lang siya talaga nakilala,” banggit ng napakagandang dalaga. 

Aniya pa, sa umpisa pa lang nilang pagkilala ay alam na agad niyang napaka-gentleman ni Coco Martin. 

“Kahit na isang sikat na actor na siya, eh, napaka-humble niya. Sobrang mabuting tao din pala siya. Walang makitang pangit sa kanya,” sey pa ni Yassi. 

Walang commitment kahit na kanino si Yassi Pressman. Kumbaga, single and ready to mingle. At halos lahat ng mga description niya kay Coco ay tila nakikita rin niyang boyfriend material ito.

“Well, masasabi kong oo,” diretsahang sagot ni Yassi. 

Katwiran ni Yassi, lahat naman daw yata ng makakasamang aktres ni Coco ay pawang positive din ang isasagot sa naturang tanong. 

“Sa totoo lang naman din, masasabi rin naman ‘yun ng lahat ng tao dahil sobrang maasikaso naman si Coco hindi lang sa mga kasama niyang artista kungdi sa lahat ng crew and staff,” sey ng aktres. 

Regular cast na ng Ang Probinsyano si Yassi kaya looking forward din siya na may matutuhan din sa mga kasamahan nilang mga beteranong artista na kagaya nina Susan Roces, Eddie Garcia, Jaime Fabreras at iba pa. 

Hangad niyang magtagal siya sa serye.

“Sana lang hindi mamatay ang character ko. Sana walang mangyari sa akin. At sana lagi akong ma-save ni Cardo,” napangiting banggit pretty actress. 

Samantala, mas marami pang pasabog ang aabangan sa Ang Probinsiyano ayon sa nakausap namin sa produksiyon. Matapos ang pinag-uusapang paghaharap nina Paolo (Avelino) at Coco, ang hindi inaasahang pag-ambush kay Agot at anak ang iimbestigahan naman ngayon ni Cardo. 

Kaya tiyak na lalo pang tututok ang viewers sa nangungunang serye.