SAMAL, Bataan – Naglunsad ang Samal Police ng malawakang pagtugis sa isang inireklamo sa panghahalay at pagnanakaw sa isang babaeng empleyado ng bangko sa Barangay Sta. Lucia sa bayang ito, nitong Sabado ng madaling araw.

Sinabi ni Senior Insp. Dexter Ebbat, hepe ng Samal Police, na iniimbestigahan na nila ang panloloob at panghahalay sa hindi pinangalanang biktima.

Ayon sa imbestigasyon, mag-isang natutulog sa kanyang bahay ang biktima nang maalimpungatan siya sa panghihipo ng suspek, na mabilis na tinakpan ang kanyang bibig.

Aniya, nakasuot ng maskara ang suspek na tinutukan siya ng patalim at sinabing ibigay ang kanyang pera. Agad namang iniabot ng biktima sa suspek ang kanyang bag na naglalaman ng P2,000 cash at ATM card.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Pagkatapos, kumuha ng duct tape ang suspek at iginapos ang mga paa at kamay, at nilagyan din nito ang bibig ng biktima, bago ginahasa ito.

Sa kabuuan natangay ng suspek ang dalawang cell phone, isang tablet computer at isang laptop computer na aabot sa P50,000 ang kabuuang halaga, ayon sa pulisya. - Mar T. Supnad