Ni Mike Crismundo

GENERAL LUNA, Siargao Island – Tinanghal na kampeon ang 16-anyos na surfer mula sa Australia sa 22nd Siargao International Surfing Cup kamakailan sa “Cloud 9” sa General Luna town, Siargao Island, Surigao del Norte.

Nakamit ni Sandon Whitaker ang kabuuang 12.83 puntos para gapiin si Philmar Alipayo ng Team Philippines may 1.63 puntos ang bentahe.

Naibulsa ni Whitaker ang $US 8,000 premyo, habang nagwagi si Alipayo ng $US 5,000.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nakamit naman nina Australian Mitchell Parkinson at Shane Holmes ang ikatlo at ikaapat na puwesto, ayon sa pagkakasunod.

May kabuuang 63 surfer mula sa iba’t ibang bansa ang sumabak sa taunang torneo

Sinabi ni General Luna town Mayor Jaime P. Rusillon na malaki ang naitutulong ng torneo sa paglikom ng pondo para sa lokal na pamahalaan. Umabot sa P100 milyon ang kinita sa turismo dahil sa torneo.

Sa kabuuan ng torneo, umabot sa record 8,000 turista ang dumagsa sa General para makiisa sa surfing event. Mataaas ng 2,000 ang bilang na naitalang turista mula noong Setyembre sa nakalipas na taon.

Naitala ang ‘fully booked’ status sa lahat ng 450 air-conditioned rooms sa resort sa General Luna, ayon kay Mayor Rusillon.

Umaasa si Surigao del Norte Governor Sol F. Matugas na mapapanatili ang produktibong ekonomiya sa lalawigan sa pagsasagawa ng naturang event at katulad na programa sa hinaharap.

 “We are delighted that this event has never failed to improve,” pahayag ni Matugas.

Aniya, tumataas ang bilang ng mga foreign at lokal tourist na nagnanais na matunghayan ang kayumihan at kagandahan ng lalawigan na tinaguriang “Paradise Island of Siargao”.