Umaabot na sa 48 miyembro ng Mababang Kapulungan ang nagpahayag ng oposisyon sa pagpapalabas sa sex video umano ni Senator Leila de Lima.
Ayon kay Dinagat Island Rep. Kaka Bag-ao, sa 48 solons, 35 dito ay kababaihan at 13 naman ang lalaking mambabatas.
Nitong Biyernes, isang pahayag ang ipinaabot ng grupo ni Bag-ao sa tanggapan ng House Speaker, kung saan bukod sa pag-reject sa planong ipalabas ito sa House Committee on Justice, pinaalalahanan nila si Speaker Pantaleon Alvarez na ‘illegal’ at ‘irrelevant’ ang pagpapalabas sa video.
“Our institution should protect women’s rights. We should not destroy what we already built, in fact Congress was among those that ensure the protection and promotion of women’s rights and welfare,” ani Bag-ao, miyembro ng komite.
Sinabi ni Bag-ao na “in fact, karugtong ‘yan ng mga issues natin na extrajudicial killings. Karugtong ‘yan ng mga mahihirap na nakabalandra na lang sa kalsada na binaril. Ganon din dito. Pero dito, mas masakit kasi yong pagkababae nya ang niyuyurakan.”
“Desperado na ba sila kaya sex video na lang ang ipangtatakot na ilabas? Ang fundamental question, meron nga ba? O nangba-bluff lang para kumbinsihin ang public na she is such a worst person dahil dyan,” dagdag pa ng kongresista. - Charissa M. Luci