Inianunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na hindi muna itutuloy ang pagbubukas ng voter’s registration sa Lunes, Oktubre 3.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nagpasya silang huwag munang simulan ang pagpapatala ng mga botante para sa 2017 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) dahil hindi pa lubusang naipapasa ang batas na nagpapaliban sa 2016 BSKE.

“We can only resume registration after the law postponing the Barangay and SK elections have been passed,” paliwanag ni Jimenez.

Umaasa si Jimenez na makapaglalabas sila ng opisyal na resolusyon sa muling pagpapatuloy ng voter’s registration sa loob ng isa hanggang dalawang linggo. - Mary Ann Santiago

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?