Ipaglalaban ng apat kataong delegasyon ng Philippine Volleyball Federation na pagtungo sa Buenos Aires sa pagdalo at pagpahayag sa buong miyembro na dadalo sa 35th World Congress ng intenational association na Federation International des Volleyball ang naganap sa pagsasaisantabi sa asosasyon at pabulaanan, ang alegasyon ni Philippine Olympic Committee (POC) President Jose Cojuangco, Jr.

“Judgement Day will be on October 4,” sabi ni PVF president Edgardo “Boy” Cantada ukol sa nakamit nito na pagkakataon ipaliwanag sa buong komunidad sa mundo ng sports ang naganap sa asosasyon sa World Congress ng FIVB, ang world governing body sa volleyball, na magkakasama-sama sa Oktubre 4 sa Buenos Aires, Argentina.

“Included in the main agenda is the right of the PVF to be heard and be voted upon for its exclusion brought about by the most unjust allegations by the long overstaying and self serving POC President Jose Cojuangco,” sabi ni Cantada. “The PVF is ready to refute all these allegations in front of the representatives of the 202 member countries.”

Ipinaliwanag ni Cantada na “Two-thirds vote of the 202 member countries is needed to oust the PVF.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Approximately 133 member countries are needed to exclude the PVF from the roster of member National Sports Associations and not by the mere POC,” sabi nito.

Sakaling kabuuang 133 votes o mas marami ang papabor sa exclusion, ay tuluyang mababasura ang pagiging miyembro ng PVF at iiwanan na ang world congress. Gayunman, sakaling mas kaunti ang boboto sa 133 o mas kaunti sa two-thirds ay mapapatalsik naman ang Larong Volleyball ng Pilipinas.

Nakamit naman ng PVF ang pagkakataon matapos ang dalawang taon na maipahayag nito ang naging kaganapan sa loob ng organisasyon sa bansa sa Oktubre 4 hanggang 6 na FIVB World Congress.

“We finally get what has been denied us for the past two years. PVF will be in the 35th FIVB World Congress to exercise its right to be heard and prevent its expulsion from FIVB,” sabi pa ni Cantada.

Matatandaan na inalis noong 2015 ang PVF sa listahan ng kinikilalang national federations ng FIVB base sa rekomendasyon ng Philippine Olympic Committee (POC) at Asian Volleyball Confederation (AVC).

Bagaman mayroong FIVB Letter of Attestation na may petsa na Nobyembre 19, 2014, mas pinaniwalaan at umaksiyon ang FIVB sa rekomendasyon ng POC at AVC kahit na hindi nabibigyan ng tsansan ang PVF na maipaliwanag ang sarili kontra sa mga alegasyon at kasinungalinan na inilagay ng POC at AVC.

Agad naman nagbuo ng POC nang bagong volleyball federation kung saan itinalaga nito ang sarili nitong mga opisyales na sina POC 1st Vice-President Joey Romasanta bilang president, kasama sina Atty. Ramon Malinao, POC legal counsel, POC 2nd Vice-President Jeff Tamayo bilang treasurer at si POC consultant Benjamin Espiritu bilang Managing Director.

“POC removed a national volleyball federation only to have its own people handle volleyball in the Philippines,” ayon pa sa PVF. - Angie Oredo