Laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. Barangay Ginebra vs. San Miguel Beer

Ginebra celebrate after winning against SMB during the PBA Governors' Cup semis at the Araneta Coliseum on Friday night. (JOHN JEROME GANZON)Tatangkain ng crowd favourite Barangay Ginebra San Miguel na makabalik sa kampeonato matapos ang nakalipas na tatlong taon sa muli nilang pagtutuos ng defending champion San Miguel Beer sa Game 4 ng kanilang 2016 PBA Governors Cup Best-of-5 semifinals series sa Smart Araneta Coliseum.

Muling magkukrus ang landas ng sister squad sa ganap na alas-7:00 ng gabi kung saan tatangkain ng Kings na tapusin na ang serye at pormal na patalsikin ang reigning champs na Beemen.

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Nakahakbang palapit tungo sa inaasam na pagbabalik sa finals ang Kings kasunod ng kanilang makapigil hiningang 97-96 na panalo noong Game Three sa pamamagitan ng buzzer-beater jumper ni Japeth Aguilar at sa kabayanihang ipinakita ni rookie guard Scottie Thompson sa kabuuan ng laro.

Nagtala si Aguilar ng 22 puntos, 8 rebound at 4 na block habang naging unang local ngayong season na nakapagtala ng triple double ang tinaguriang “triple-double machine” noong kanyang collegiate years na si Thompson sa 12 puntos, 10 rebound at 10 assist upang pangunahan ang Kings.

Gayunpaman, panadalian lamang ang kanilang pagdiriwang, ayon sa Kings dahil mas nakatuon ang kanilang pansin sa mataas na goal at ito’y ang makamit ang kampeonato.

“May isa pang game, hindi pa ito ang magpapanalo sa amin sa series,” sabi ni Aguilar. “Gusto lang namin talaga ay makapanalo ng chamsionship para sa Ginebra.”

Naniniwala naman ang Beermen partikular si coach Leo Austria na malaki pa ang kanilang tsansa.

“We’ve been in worse situation than this. O-3, we’re able to comeback. This a best-of-5 series so we still have two wins to get into the finals, and there’s a lot of chances,” sabi ni Austria na tinutukoy ang pinakamalaking pagbangon na ginawa ng kanyang koponan sa kasaysayan ng liga may walong buwan pa lamang ang nakakalipas nang kanilang gapiin ang Alaska sa nakaraang All-Filipino Cup finals. - Marivic Awitan