Inamin kahapon ni Health Secretary Paulyn Jean-Rossel Ubial na may P280 milyong medical equipment/facilities ang inaalikabok at nabubulok sa imbakan o bodega ng Department of Health (DoH).

Ang kumpirmasyon ay ginawa ni Ubial sa preliminary conference tungkol sa pagkabulok ng mga nasabing kagamitan at pasilidad sa pagdinig ng Kamara sa hinihiling na P94 bilyong pondo ng DoH para sa 2017.

Inirekomenda ni Iloilo Rep. Ferjenel Biron (4th District), chairman House Committee on Trade and Industry, kay Ubial na ipagkaloob na lamang ang mga kagamitang ito, tulad ng X-ray machines, MRI, Ultrasound, imaging machines, at iba pa sa mga medical center na kontrolado ng DoH at sa mga ospital ng lokal na pamahalaan.

Binanggit ni Biron ang P1.8 bilyong pondo para sa konstruksiyon ng pasilidad-pangkalusugan sa ilalim ng 2016 budget ang hindi pa nagagamit ng DoH.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Iminungkahi ni Biron na ilipat na lang ang pagpapagawa ng pasilidad-pangkalusugan ng DoH sa Department of Public Works and Highways, na tinanggap naman ni Ubial. - Bert de Guzman