Nakasama muli matapos sumabak ang ilan sa kanilang mga key players sa katatapos na SEABA women’s championships ay agad inilampaso ng defending champion National University ang Univeristy of the Philippines, 74-40 kahapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 Women’s Basketball Tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Namuno para sa nasabing panalo ng Lady Bulldogs ang reigning MVP na si Afril Bernardino na nagposte ng doube-double 16 puntos at 11 rebound kasunod si Jack Animam na mayroon ding 16-puntos bukod pa sa 10 rebound at si Gemma Miranda na mayroon namang 15 puntos at 12 rebound.

Buhat sa 34-20 kalamangan sa pagtatapos ng first half, lalo pang umagwat ang Lady Bulldogs matapos limitahan lamang sa nim na puntos ang Lady Maroons sa third period para pumasopk sa final canto na may 57-26 na bentahe.

Mula doon, hindi na nakaporma pa ang UP na bumagsak sa kanilang ikalimang pagkatalo habang ganap na inangkin ng NU ang ikalimang sunod nilang panalo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

SAa isa pang laro, nakalusot ang season host University of Santo Tomas sa late rally na ityinayo ng Far Eastern University upang magapi ang huli, 65-61.

Pinamunuan ni Shanda Anies ang nasabing unang panalo ng Tigresses matapos ang limang laro sa kanyang ipinosteng 15 puntos at 13 rebounds.

Namuno naman para sa Lady Tamaraws na bumaba sa barahang 1-4, panalo-talo si Maria Balleser na mayroon ding double-deouble 15-puntos at 15 ding rebounds kasunod ng topscorer na si Precious Arellado na may 19 puntos. - Marivic Awitan