NAGLABAS ng unang solo single si Niall Horan ng One Direction noong Huwebes, siya ang latest member ng boy band na magpapatuloy ang music career simula nang mag-hiatus ang grupo.

Inihayag ng 23-year-old Irish singer na pumirma na siya ng kontrata sa Capitol Records at inilabas ang unang awitin na This Town.

Gamit ang acoustic guitar, ang This Town ay light ballad tungkol sa pusong sawi pero umaasang makakabalikan pa ang kanyang mahal.

Naglabas din ng video ng This Town si Horan na itinanghal niya sa studio ng Capitol sa Hollywood, pero hindi siya nagbigay ng schedule tungkol sa susunod na releases.

Tsika at Intriga

Xian Lim, Iris Lee binabantaan daw ng fans ni Kim Chiu?

Nakamit ng One Direction ang kasikatan sa buong mundo, punumpuno ng naghihiyawang kabataang babae ang mga kanilang konsiyerto, simula nang lumabas sila sa British television contest na X Factor noong 2010.

Inihayag ng banda ang kanilang pamamahinga noong huling bahagi ng nakaraang taon, kasunod ang pagkalat ng mga balita ng may kanya-kanyang solo project na sila, na ikinatakot ng fans na baka mauwi na sa tuluyang pagkakabuwag ng grupo.

Si Zayn Malik, na umalis sa banda noong nakaraang taon ng Marso, ang may pinakasikat na solo career ngayon.

Samantala, ibinunyag din ni Liam Payne na ginagawa na niya ang kanyang unang solo album, at tulad ni Horad ay pumirma na rin siya sa Capitol Records – hindi sa Columbia Records ng One Direction.

Sa dalawa pang miyembro, naiulat na nagkaroon din ng record deal si Harry Styles sa Columbia.

Nananatiling tahimik si Louis Tomlinson, na naging ama kamakailan, tungkol sa solo front, bagamat nakikipagtrabaho siya sa X Factor judge na si Simon Cowell sa pagbubuo ng isang all-girl pop band. - AFP