Hiniling ng mga police regional director sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na bigyan sila ng full authority upang magpatupad ng balasahan sa kani-kanilang hepe upang matiyak na epektibong naipatutupad ang operasyon ng gobyerno laban sa droga habang papalapit ang anim na buwang deadline upang masugpo ang illegal drugs activities sa bansa.

Ito ay makaraang sabihin ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na maliligtas sa pagkakasibak sa puwesto ang lahat ng 18 regional director batay sa unang tatlong buwang assessment sa kampanya laban sa droga.

“Those who are initially on the list of being replaced were able to recover. But still, I defer my decision pending the recommendation of the oversight committee,” ani Dela Rosa.

Kasabay nito, idineklara ni Dela Rosa na tagumpay ang pulisya sa digmaan kontra droga, batay sa huling datos ng PNP.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ayon sa PNP data, nasa 1,323 hinihinalang tulak at adik ang napatay simula Hulyo 1, habang 21,682 ang naaresto at may kabuuang 729,915 ang sumuko. - Aaron Recuenco