“MISS no single opportunity of making some small sacrifice, here by a smiling look, there by a kindly word; always doing the smallest right and doing it all for love,” sinabi ni Saint Therese of Lisieux, mas kilala bilang Saint Therese of the Child Jesus. Kilala rin siya bilang Santo na may “Little Way” dahil isinusulong niya ang pagkakamit ng kabanalan sa paggawa ng maliliit na kabutihan nang may matinding pagmamahal para sa Diyos at kapwa.
Alam ni Saint Therese na bilang Carmelite na madre, hindi siya makagagawa ng matitinding gawain kahit maging isang misyonero. Sa kanyang diary, isinulat niya: “Love proves itself by deeds, so how am I to show my love? Great deeds are forbidden me. The only way I can prove my love is by scattering flowers and these flowers are every little sacrifice, every glance and word, and the doing of the least actions for love.” Kaya naman nais niya na maging salamin ng kabutihan ang kanyang bawat gawa.
Si Saint Therese of the Child Jesus, na ipinagdiriwang ngayon ang kapistahan, ay nakaakit ng maraming Katoliko at iba pang mga Kristiyano sa kanyang buhay, mga turo, pagpapakumbaba at kababang-loob. Dahil sa kanyang maliit ngunit kabayanihang paggawa nang may pagmamahal, iprinoklama siya ni Saint John Paul II bilang ika-33 na Doctor of Church at ikatlong babae para maging santo. Sa kanyang proklamasyon, inihayag ni Saint John Paul II: “Before the emptiness of so many words, Therese offers another solution, the one word of salvation which, understood and lived in silence, becomes a source of renewed life.” Marami ang nasorpresa sa pagkilalang ito na iginawa sa santo dahil hindi siya kailanman nagsulat ng tungkol sa theology gaya ng iba pang doctor ng Simbahan, tulad nina Saint Augustine at Saint Thomas Aquinas. Sa halip, pinag-ibayo ng Santong ito ng “little way” ang mga katuruan sa kanyang buhay.
Sa pagbibigay-galang natin kay Saint Therese ngayong araw, nawa’y tumugon tayo sa panawagan ng Diyos na maging banal tulad ni Saint Therese. Tulad niya, kaya rin natin ito. Hindi sa paggawa ng malalaki at matitinding gawain, kundi sa maliliit, at minsan ay hindi kapansin-pansin na kabutihan. Napapansin ng Diyos ang bawat kabutihan na ginagawa natin at tinitingnan nang buong pagmamahal ang mga taong gumagawa ng kabutihan para sa Kanya. Sa bawat kabutihan na ginagawa natin, huwag nating kalimutan na dapat gawin natin ito nang may pagmamahal. Tanging sa pagmamahal lamang magkakaroon ng katuturan ang paggawa natin ng kabutihan.
Nawa’y si Saint Therese of the Child Jesus, ang santo ng “little way” ay magbigay-inspirasyon sa atin at lagi tayong ipanalangin.