DAVAO CITY – Bilang pagtupad sa ipinangako niya sa bansa, dinagdagan ni Pangulong Duterte ang duty pay at mga insentibo ng mga operatiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), alinsunod sa executive order na nilagdaan nitong Setyembre 26.

Sa bisa ng Executive Order No. 3, itinaas ang combat duty sa P3,000, na naging epektibo nitong Setyembre.

Batay sa kopya ng EO, ang kasalukuyang combat duty pay ng militar ay nasa P500 kada buwan, habang ang combat incentive pay naman ay nasa P150 hanggang P1,500.

Sa pulisya, ang kasalukuyang combat duty pay ay nasa P340 kada buwan.

National

PCSO: 3 lucky bettors, instant milyonaryo sa SuperLotto 6/49 at Lotto 6/42

Sa EO, sinabi ng Pangulo na “there is an urgent need to increase the said benefits to improve the living conditions of the men in uniform who are engaged in combating threats to national security and public peace and order.”

Sinabi ni Pangulong Duterte na kinikilala ng EO ang “heroism and sacrifices of the frontline soldiers and police officers who figure directly in actual combat against various groups which threaten national peace and security.”

Bukod sa combat duty pay, tatanggapin din ang mga armadong operatiba ng karagdagang combat incentive pay na P300 kada araw kung ang operasyon ay isang specific order, at dapat na hindi humigit sa P3,000 bawat buwan. - Yas D. Ocampo