Ngayong gabi, isang tribute ang handog ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa yumaong dating Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Tinagurian si Miriam bilang Iron Lady of Asia dahil sa paglaban niya kontra graft and corruption. Kilala rin siya sa kanyang maaanghang na pananalita, quotable quotes, at pick-up lines. Kaya sa kanyang pagpanaw nitong Huwebes matapos ang dalawang taong pakikipaglaban sa lung cancer, nagluluksa ang buong bansa.

Ngayong Linggo, babalikan ng KMJS ang hindi malilimutang mga sandali at mga pinakawalang salita ng senadora, kasama na ang panayam sa kanya noong 2014 ni Jessica Soho nang pag-usapan nila ang sari-saring paniniwala ni Miriam — mula sa kanyang pamilya, ang iiwanan niyang legacy, at maging ang pananaw niya sa kamatayan.

Samantala, may bagong mukha sa Wowowin. Sa dalawang guesting niya sa programa, nakuha ni Super Tekla—o Romeo Librada sa totoong buhay—ang kiliti at simpatya ng publiko. Hindi lang kasi siya magaling magpatawa, kayang-kaya rin niyang paiyakin ang madla sa tuwing isinasalaysay niya ang kuwento ng buhay niya. Dahil sa ‘di-matatawarang hatak niya sa masa, siya na ngayon ang pinakabagong co-host ni Willie Revillame.

Tsika at Intriga

Basher ni Gerald na tinawag siyang 'manipulative, groomer' pinuksa ng netizens

Sa Lagro, sikat na sikat ang isang pan de sal vendor na naka-costume habang naglalako araw-araw. Sa Davao City naman, makiangkas sa grupo ng bikers na kakaiba raw ang sound trip. Sisilipin din ng programa ang latest craze ngayon sa social media — ang Pen Pineapple Apple Pen.

Abangan ang lahat ng ito ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, pagkatapos ng Hay, Bahay! sa GMA-7.