IBINANDERA ni ABS-CBN Integrated Sports Head Dino Laurena ang industriya ng mixed martial arts (MMA) sa bansa bilang panelist sa Asia MMA Summit, ang pinakamalaking pagtitipon ng martial arts industry leaders sa Asya na ginanap sa Singapore.

Ibinahagi ni Laurena ang kanyang kaalaman sa marketing at sports sa isang session tungkol sa live sports in Asia, at ipinaliwanag ang papel ng live sports sa kinabukasan ng broadcast television sa Asya, kasama ang executives mula Fox Networks Group at PKE Partners.

“Ang sports ang unang reality-TV. Ang emosyon ng viewer ‘pag pinapanood ang sports ay of-the-moment kaya napakahalaga na matunghayan ang bawat aksiyon sa isang sports ng live dahil tunay itong nangyayari,” ani Laurena.

Sa pamumuno ni Laurena nabuo ang partnership ng ABS-CBN, Universal Reality Combat Championship (URCC), at One Championship, dalawa sa pinakabigating MMA promotions sa Asya para sa pag-ere ng MMA events sa ABS-CBN sports channels na Sports + Action (S+A) sa free TV at sa Sports + Action HD sa cable TV.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Mas pinapatindi ng broadcast media ang coverage sa mixed martial arts sa bansa simula nang maging mainstream sport ito noong mid-2000s sa pangunguna ng ABS-CBN.

Ipinapalabas din ng S+A ang Fight Farm, ang unang locally-produced MMA docu-reality TV series na tampok ang makulay na paglalakbay ng ilang amateur MMA fighters at kung paano nila ginapi ang mga paghamon para magbigay ng inspirasyon sa Filipino sports fans at televiewers.

Nagpapatibay din sa mithiin ng ABS-CBN na itaguyod ang MMA sa bansa ang paglahok ni Laurena ngayong taon sa Asia MMA Summit, na nagkaisa ang game changers sa mundo ng martial arts –- mula athletes pati leaders ng media companies.

Kamakailan lang, muling iginiit ni Laurena ang layunin ng ABS-CBN na ipanalo ang atletang Pinoy at itaguyod pa ang sports development sa Pilipinas.

“Maliban sa TV programs at sports events coverage sa TV at online, mayroon ding on-ground projects ang ABS-CBN na may direct impact sa tao. Patuloy na magiging biggest supporter at cheerleader ang ABS-CBN ng bawat Pilipino,” dagdag ni Laurena.