Pinayuhan ng U.S. health officials ang mga buntis na ipagpaliban muna ang pagbiyahe sa 11 bansa sa Southeast Asia dahil sa Zika outbreaks sa rehiyon.

Binanggit sa advisory na inilabas nitong Huwebes na iwasan ang bumiyahe sa Brunei, Cambodia, East Timor, Indonesia, Laos, Malaysia, the Maldives, Myanmar, Philippines, Thailand at Vietnam.

Sinabi ng Centers for Disease Control and Prevention na ilang taon nang may Zika sa ilang lugar sa Southeast Asia, at maaaring immune na ang ilang residente rito. Ngunit ilang U.S. travelers ang nahawaan ng sakit doon nitong nakaraang taon, kayat mayroong panganib sa mga dayuhan.

Karamihan ng mga nahawaan aydumaranas ng mahina o panandaliang sakit at kusa namang gumagaling. Ngunit ang mga impeksyon habang nagbubuntis ay maaaring magdulot ng malalang brain-related birth defects, kabilang na ang microcephaly at iba pang malalang abnormalidad sa utak. Ang virus ay ikinakalat sa pamamagitan ng kagat ng lamok na aedes aegypti, na nagdadala rin ng dengue, chikungunya at yellow fever.

Sen. Bato, iginiit na hindi convicted criminal si Lopez para ilipat sa Women's Correctional

Pumalo na sa 12 ang kumpirmadong kaso ng Zika sa Pilipinas. Sa Cebu City, isang buntis ang tinamaan ng Zika ngunit wala pang indikasyon na naapektuhan ng virus ang sanggol nito. (AP/Mary Ann Santiago)