Bilang pagtupad sa pangakong patatatagin ang relasyon ng Pilipinas at China sa larangan ng kalakalan, tutungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa China sa Oktubre 19.

Makakasama ng Pangulo ang 20 negosyante at tatagal ng hanggang Oktubre 21 ang kanilang working visit.

Layon ng pagtungo ng Pangulo sa China na pasiglahin muli ang relasyon ng dalawang bansa, matapos itong manlamig sanhi ng gusot sa South China Sea.

Matatandaang sinabi ni Duterte na bibisita siya sa China at Russia, pero hindi siya nagbigay ng takdang panahon.

Diokno rumesbak sa pambabastos ng Chinese officials kina Pangilinan, Tarriela, De Lima

Dito inaasahang makipagpulong ang Pangulo kina Chinese President Xi Jinping at Premier Li Keqiang. (Beth Camia)