Bayaran ang Social Security System (SSS) contributions ng mga kawani. Ito ang pinaalala ng SSS sa mga pribadong kumpanya kasunod ng paghahatol ng korte ng 20 taong pagkakabilanggo sa may-ari ng isang catering services dahil sa naturang usapin.
Sinabi ni SSS Asst. Vice-President for Operations Legal Department chief Renato Cuisia, na magsisilbi sanang leksyon sa mga employer ang pagpapakulong ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) kay Henry Marcos, may-ari ng Henry Marcos catering services sa hindi pag-remit ng monthly contributions ng kanyang mga empleyado.
Napatunayan ng korte na nagkasala si Marcos ng paglabag sa Republic Act 8282 (Social Security Act of 1997).
Pinagbabayad siya ng hukuman ng P1,358,573.24 bilang civil liabilities sa hindi nabayarang contributions ng 11 empleyado nito, kabilang na ang penalty. (Rommel P. Tabbad)