Taglay ang matikas na line up kumpiyansa ang Pocari Sweat sa kanilang target na back- to- back titles sa pagkampanya sa Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference na magsisimula ngayon sa Philsports Arena sa Pasig. City.

“We're optimistic of our chances. Our imports have arrived as early as last month and we've conducted team-building activities that strengthened our chemistry. The team is in high spirit,” pahayag ni coach Rommel Abella.

Samantala, pormal na inilunsad kahapon ang season-ending conference ng liga na itinataguyod ng Shakey’s sa isang press conference.

Nagbabalik sina skipper Michelle Gumabao, Myla Pablo, Elaine Kasilag, Melissa Gohing, Maricar Nepomuceno, Gyzel Sy at Desiree Dadang para sa misyon na makamit ang ikalawang sunod na titulo kung saan makakatulong nila si Fil-Am setter Iris Tonelada .

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Our experience and familiarity with each other will help us. And Iris (Tolenada) has been with us for months to give us another option,” aniya.

Lalo pang nagpalakas sa kanilang kampanya ang mga import na sina Andrea Kay Kacsits at Breanna Lee Mackie.

Ang 6-4 na si Kacsits ay isang middle hitter mula sa Michigan Volleyball Academy habang ang 6-3 na si Mackie ay dating Central Valley High School outside/opposite hitter .

“Our imports are strong and they're what this team needs – added firepower.We're not underestimating other teams but we will shoot for another championship,” ayon kay Abella.

Samantala, may anim na koponan ang maglalaban- laban sa Spikers’ Turf Season 2 Reinforced Conference, sa pamumuno ng defending champion Air Force kasama ang Cignal, Sta. Elena Construction, Instituto Estetico Manila, Army at baguhang 100 Plus. (Marivic Awitan)