carter-nukes_luga-copy

Hindi matitibag ang alyansa ng United States at Pilipinas, ipinahayag ni U.S. Defense Secretary Ash Carter kahapon.

Nagsalita si Carter isang araw matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang huling military exercises ng Amerika at Pilipinas at isinantabi ang mga susunod na joint navy patrols.

“As it has been for decades, our alliance with the Philippines is ironclad,” sabi ni Carter, sa kanyang talumpati sa American sailors sakay ng U.S.S. Carl Vinson sa home port nito sa San Diego, California.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Sa pamamagitan ng “landmark” na kasunduan kamakailan, “the United States is supporting the modernization of the Philippine Armed Forces,” diin niya.

Binanggit din ni Carter ang Maritime Security Initiative, na sa ilalim nito ay magkakaloob ang United States ng milyun-milyong dolyar sa Pilipinas.

Nagsalita rin si Carter tungkol sa malawak na “rebalance” ng Amerika tungo sa Asia-Pacific region, at ipinagmalaki ang matibay na bilateral relationships sa mga bansa sa lugar, kabilang na ang Thailand, Japan, South Korea, at Australia.

Sa kabila ng mga maaanghang na komento laban sa United States, sinabi ni Duterte na pananatilihin ng Pilipinas ang security agreements nito sa Washington. Nilinaw naman ni Foreign Secretary Perfecto Yasay na ang inalis lamang ni Duterte ay ang joint patrols sa labas ng 12-nautical mile territorial waters ng Pilipinas.

Ngayong linggo ay magiging punong-abala si Carter sa pulong ng defense ministers ng mga bansa sa Southeast Asia sa Hawaii, kabilang na ang Pilipinas. Naging pangunahing paksa ng mga pagtitipong ito sa nakalipas na taon ang panghahari-harian ng China sa ilang lugar sa South China Sea. Nag-aagawan sa mga teritoryo sa nasabing karagatan ang Vietnam, Malaysia, Brunei, Pilipinas at Taiwan. (Reuters)