Laro Ngayon

(Smart-Araneta Coliseum)

5 n.h. -- Meralco vs Talk ‘N Text

Mas naging kapana-panabik din ang serye sa pagitan ng Meralco at Talk ‘N Text at matira ang matibay ang sitwasyon sa kanilang pagtutuos sa Game 3 ng kanilang best-of-five semifinal sa OPPO-PBA Governor’s Cup ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ganap na 5:00 ngayong hapon, babasagin ng Bolts at Katropa ang pagtabla sa 1-1.

Para sa Bolts, sasalang sila sa Game Three na may dagdag na kumpiyansa matapos manaig sa Game 2.

"It gives us confirmation that this team is beatable ," pahayag ni Chris Newsome matapos pangunahan ang Bolts sa naitalang 17 puntos, 10 rebound, limang assists at isang steal sa 106-91 panalo kontra sa Katropa sa Game 2.

"It gives us a sense that we are capable of not only competing with them but beating them. Mentally this gives us a little bit more confident going into Game Three,” aniya.

Magsisilbi naman na wake-up call para sa Katropa ang nangyaring pagkatalo.

"Parang naging wake-up call sa amin ‘yun kaya pagdating ng Game 3 ready kami," pahayag ni Jason Castro.

"Lahat naman kami positive,kasi siguro kailangan din namin matalo para at least malaman namin’yung mga weaknesses namin," aniya.

Ngunit, tiniyak ni coach Jong Uichico na maglalaro ang Asian import na si Michael Madanly na pinagpahinga noong nakaraang laro sanhi ng pananakit ng likod.

Para kay Uichico, kailangan nilang pantayan at tapatan lahat ng ibibigay sa kanila ng Meralco upang lumakas ang tsansa nilang manalo.

"We really need to play some defense,match their energy, match their intensity."

Iskor:

MERALCO (106) – Durham 31, Newsome 17, Alapag 16, Hodge 15, Hugnatan 12, Dillinger 8, Uyloan 3, Amer 2, Nabong 2, Faundo 0

TNT (91) – Castro 24, Ammons 15, De Ocampo 10, Rosario 9, Tautuaa 9, Williams 9, Ababou 7, Carey 2, Fonacier 2, Madanly 2, Rosales 2, Rosser 0

Quarterscores:

29-15, 54-40, 80-60, 106-91 (Marivic Awitan)