Dahil sa nauusong pang-aaway at pamboboldyak sa social media, hinihiling ni Senator Paolo ‘Bam’ Aquino IV sa Senado na imbestigahan ang ‘paid trolls’ sa Internet.

Ang ‘trolls’ ay mga taong laging naghahamon ng away at nang-aaway sa mga post sa social media, kung saan kampi lang ang mga ito sa kanilang amo, o kung saan sila sumusuweldo.

Sila ang mga nagpapakalat ng misinformation at gumagamit ng mga mapang-abusong salita sa Facebook, Twitter at YouTube.

Sinabi ni Aquino na sa pamamagitan ng imbestigasyon, kailangan umanong maturuan ang mga eskwelahan at estudyante kung papaano magiging responsable sa paggamit ng social media.

Diokno rumesbak sa pambabastos ng Chinese officials kina Pangilinan, Tarriela, De Lima

“Our schools can play a critical role in guiding students to become ethical and productive digital citizens and to communicate properly and respectfully online,” ayon kay Aquino sa kanyang Senate Resolution No. 173.

Binanggit ni Aquino ang concern ng maraming bansa sa paggamit at pag-abuso sa social media, lalo na sa pagpapakalat ng mga pekeng balita at impormasyon.

Sa Pilipinas, ginamit naman sa pag-atake ang bayarang trolls, sa idinaos na eleksyon noong Mayo 2016.

(Hannah L. Torregoza)