Pinatunayan ni Las Piñas City Mayor Nene Aguilar ang kanyang galing bilang breeder ng mga manok-panabong nang kanyang makopo ang solong kampeonato ng 3rd Leg 6-Stag Derby ng 2016 UFCC Stagwars sa nakalipas na weekend sa Las Piñas Coliseum.

Ang nagkampion na entry ni Mayor Aguilar na Sam 29/Striker Sept. 28 5-Stag LPC, ay sa pakikipagtambalan kay businessman Sam Aguilar.

Ang 4th Leg ay papagitna ngayon sa LPC kung saan 35 kalahok ang tampok na maglalaban.

Nagpakitang gilas din at umiskor ng tig-limang puntos noong nakaraang Sabado sina Joey delos Santos (San Roque), Ramon Atayde (RRA/Andre), Charlie “Atong” Ang (Vikings) at Mel Lim/Nelson Uy (Full Force).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naka-tig apat na puntos naman sina Rey Briones/Mayor Flores (Tata Rey – RTF), Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm), Magno Lim/Gary Tesorero (ML G63), TC/Boyet (BS Farm2), Eric dela Rosa (New Polomolok Sports Complex), Eddie Boy Villanueva (Eboy and Fiscalizer), Ka Luding/Rey/Topher (LB Candelaria) at Alex Ty (ATY Duhatan).

Handog ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2016 UFCC Stagwars ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum; Resorts World – Manila at Solaire Resorts & Casino.

Ang 2016 UFCC Stagwars ay gaganapin sa apat na magkakaibang sabungan, sa layunin na mas mailapit ang idolo ng sabong sa masang sabungero.

Ang Las Piñas Coliseum sa Zapote, Las Piñas City ang siyang pagdarausan ng lahat ng UFCC one-day 6-stag derby na nakatakda sa Oktubre 1, 8, 15, at 22.

Samantala, handa na ang lahat para sa pinakahihintay na A.A. Cobra 9-Stag Derby na gaganapin sa Newport Theatre ng Resorts World – Manila sa Oktubre 24, 25 at 27 kung saan ang entry fee ay P110,000 at ang minimum bet ay P55,000.

Gaganapin din sa Resorts World – Manila ang pinakamalaking pasabong sa susunod na taon – ang 2017 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby na nakatakda sa Enero 15-21, matapos ang All New International Gamefowl Festival sa Enero 13, 14 & 15 na gagawin naman sa SMX Convention Center.