jodi-copy

NAGING emosyonal si Jodi Sta. Maria nang iparating sa kanya ang good news sa pagkaka-nominate niya sa Emmy Awards para sa kanyang pagganap bilang Amor Powers sa remake ng Pangako Sa ‘Yo.

“I was so surprised as in to the point na when the news was delivered to me talagang it really brought tears to my eyes. Literally I cried. This is something unexpected. Though before they told me to fill out a form for the nomination, pero ang tagal na ng panahon na lumipas so, alam mo ‘yung nawala na siya sa isip ko,” salaysay ni Jodi nang humarap sa reporters.

“And then one day si Tita Mariole (Alberto, top gun ng Star Magic) called me and she was congratulating me. I thought for a different project kasi meron kaming inaayos. So thank you naman ako nang thank you. Little did I know that she was congratulating me pala because of the International Emmys nomination. I was really thankful na nabigyan ng opportunity at siyempre napansin tayo, ang Pilipino, sa international Emmys,” tuluy-tuloy na kuwento ni Jodi.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang mga kasamang nominado ni Jodi ngayong taon ay sina Judi Dench (British), Grazi Massafera, at Christiane Paul.

“Si Miss Judy Dench hindi ko siya kilala sa pangalan pero nu’ng sinearch ko siya, talagang napanganga ako na ito pala siya and ‘yung mga actors from Brazil and Germany chineck ko na rin sila. So maganda rin naman ‘yung body of work nila and kilala rin sila sa larangan nila and marami rin silang mga awards under their belts, so nakakatuwa.”

 

Dugtong pa ni Jodi, “To be nominated alongside the great Judi Dench, di ba, parang sobrang honor na ‘yun for me na kung sakali na palarin tayo, di ba, parang sobra-sobrang bonus at blessing talaga ‘yun. Pero ‘yung ma-recognize lang, ma-nominate, okay na, hindi ba? Kinikilabutan ako ‘pag mini-mention ko na a-attend ako sa November,” aniya. 

Gaya ng ilang Kapamilya stars na sina Angel Locsin at Piolo Pascual na na-nominate na rin sa international awards at nagtungo sa US para dumalo sa prestigious event, hindi rin daw palalampasin ni Jodi ang pambihirang pagkakataong ito.

Ang awards night ay gaganapin sa November 21 sa Hilton New York Hotel.

“Siyempre maganda na mapaghandaan, di ba? It’s not everyday na makakatisod ka ng nomination sa International Emmys so maganda na pumunta ka do’n nang napaghandaan talaga. ‘Yung team ko naman inaayos na nila kung sino ‘yung gagawa ng damit, kung sino ‘yung gagawa ng hair ko,” excited niyang sabi.

Pagkatapos ng ginampanang role sa Pangako, walang idea si Jodi kung saan pa papunta ang halos 17 years niyang itinagal sa mundo ng showbiz.

“Hindi, hindi talaga. Alam ko no’ng ginawa ko si Amor ginawa ko siya dahil na-challenge ako sa kanya and bilang isang artista parang part ng growth natin ‘yun, eh. To be able to do parang different kinds of roles na hindi ka nata-typecast sa isang role lang. 

“Hindi naging madali ‘yung proseso ni Amor kung paano namin siya binigyang buhay pero masasabi ko na nag-pay off ‘yung pasensiya, ‘yung hard work, ‘yung puyat, ‘yung pagod, ‘yung mga luha. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na lahat ng ito nangyayari. Siyempre lahat tayo nangangarap din. So it’s something na parang beyond pa do’n sa pinangarap mo ‘yung ibinigay sa iyo. Sobrang nakakataba ng puso ang pagmamahal ng Panginoon,”.

Masaya rin sa kanyang tagumpay ang anak niyang si Thirdy.

“Oh my, sobra-sobrang saya niya. Kasi nakikita niya na sobrang saya ko. Pero siyempre si Thirdy is just 10 years old and siguro hindi pa niya naiintindihan masyado ‘yung magnitude nitong International Emmys, pero bilang mahal niya ako, nanay niya ako at nakikita niya talaga ‘yung joy sa puso ko, hayun masayang-masaya din siya para sa akin,” pahayag ng aktres. 

Lalo pang minahal ni Jodi ang industriyang kanyang kinabibilangan at ang kahalagahan ng kanyang trabaho.

“Each and every project kasi na dumarating sa akin lagi ko siyang kino-consider na dream project ko and I make sure na pag may ginawa akong isang proyekto talagang ‘yung oras ko, ‘yung puso ko inilalagay ko sa kanya. 

“’Yung sa pagiging mapili siguro in a sense na hindi ko na kailangan magpakita ng skin, ‘yung mga gano’ng klase siyempre. Parang maingat lang din ako sa mga ganu’ng bagay dahil may anak din ako and aware naman ako sa social responsiblity na meron ako bilang actor sa mga kabataan natin,” sey pa ng mahusay na aktres. (ADOR SALUTA)