“Non-negotiable.” Ito ang babala ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez laban sa mga pasaway na mining company na hindi tumutupad sa environmental law.
Aniya, hindi nila pinapayagang makapag-operate pa ang mga minahan na nagdudulot ng negatibong epekto sa kalikasan.
“You have to follow the rule of law, which means the silting of rivers, the adverse effect on farmlands, that clearly has to be fixed,” pagdidiin ng Kalihim.
Tiniyak pa nito na hindi siya magbibigay ng pabor sa sinumang lalapit sa kanya para sa kanilang “business at political interests”.
Matatandaang sinuspinde kamakailan ng ahensya ang operasyon ng 20 mining company dahil sa paglabag ng mga ito, katulad ng kawalan ng safety standards. (Rommel P. Tabbad)