Natuto na ang Commission on Elections (Comelec) sa pagkagahol sa oras kayat maaga nilang sisimulan ang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa susunod na taon.

Naniniwala si Comelec Chairman Andres Bautista na mas epektibo nilang mapagdedesisyunan ang lahat ng aspeto ng halalan kung maaga silang magsisimula sa preparasyon.

“If there is one lesson also that we learn in respect to 2016 is that the preparation time should be longer and that’s why we are looking to start as early as January 2017 for the planning and sort of like try to develop a time table,” wika ni Bautista, sa panayam sa radyo.

Nakatakda sanang idaos ang BSKE ngayong Oktubre 31 ngunit ipinagpaliban ito sa Oktubre 23, 2017. (Mary Ann Santiago)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'