BOGOTA, Colombia (AP) – Sinabi ng isang mataas na U.N. human rights official noong Huwebes na mahigpit niyang susubaybayan kung paano tatakbo ang special peace tribunals na itinayo sa ilalim ng peace accord ng Colombia, upang matiyak na mapanagot ang mga taong nakagawa ng seryosong war crimes sa panahon ng mahabang digmaan.
Sinabi ni U.N. High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein, kasama ni U.N. Secretary-General Ban Ki-moon na sumaksi sa signing ceremony noong Lunes, na mayroon siyang karapatan na magkomento “forcefully” kapag lumihis ang mga desisyon ng tribunals sa international standards sa pagparusa ng mga seryosong pang-aabuso.
Boboto ang mga Colombian sa Linggo para pagpasyahan kung pagtitibayin o ibabasura ang peace deal na nilagdaan ng gobyerno at ng (FARC), ang pinakamalaking kilusan ng mga rebelde sa bansa.