Hindi magla-landfall sa alinmang bahagi ng bansa ang bagyong ‘Igme’ kapag pumasok na ito sa Phillippine area of responsibility (PAR).

Ipinahayag ni weather forecaster Benison Estareja ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na sa susunod na mga araw ay inaasahang papasok ng Pilipinas ang naturang bagyong may international name na ‘Chaba’.

Gayunman, paiigtingin ni iIgme’ ang southwest monsoon na makakaapekto naman sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 230 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kapag tuluyang pumasok ng PAR si ‘Igme’, ito ay pang-siyam na bagyo sa bansa ngayong taon. (Rommel P. Tabbad)