Iniurong ng Bureau of Immigration (BI) ang mga kinakailangang requirements para sa pagpapauwi sa pitong mandaragat na Indonesian, na dinukot at pinakawalan ng bandidong Abu Sayyaf.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na nilagdaan niya ang isang kautusan na pinapayagan ang pitong Indonesian na makaalis ng bansa, na hindi na pagbabayarin ng anumang immigration fees, mga multa, o pagkuha ng clearances na normal na ipinapataw o hinihingi ng Bureau sa paalis na dayuhan.

Ayon kay Morente agad niyang ibinigay ang kahilingan ng embahada ng Indonesia na talikdan ang mga kinakailangan ng imigrasyon sa mga pinakawalang bihag upang agad mapauwi sa kanilang bansa. (Mina Navarro)

Diokno rumesbak sa pambabastos ng Chinese officials kina Pangilinan, Tarriela, De Lima