Ikinumpara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang sarili kay Nazi leader, Adolf Hitler, kung saan handa umano siyang kumatay ng tatlong milyong adik.

“Hitler massacred three million Jews. Now there are three million drug addicts (in the country). I’d be happy to slaughter them,” ayon kay Duterte, pagdating nito sa bansa mula sa dalawang araw na pagbisita sa Vietnam.

Ang pahayag ng Pangulo ay sanhi na rin umano ng pagkapuno nito sa kritisismo ng international community, partikular sa kampanya nito laban sa ilegal na droga, kung saan isyu ang karapatang pantao.

Sinabi ng Pangulo na sinasabi umanong pinsan siya ni Hitler. “At least if Germany had Hitler, the Philippines would have...You know, my victims, I would like to be, all criminals, to finish the problem of my country and save the next generation from perdition,” ayon sa Pangulo.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Nitong Biyernes, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na halos kalahati pa lang sila sa target na i-neutralize ang 1.8 milyong drug personalities sa bansa.

Samantala nagpahayag ng pag-aalala ang United States, United Nations (UN) at European Union (EU) sa mga umano’y extrajudicial killings kaakibat ng kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

“Look, kayong US, EU. You can call me anything. But I was never into or I am never into hypocrisy like you. Close your doors, it’s wintertime. There are migrants escaping from the Middle East. You allow them to rot and then you’re worried about the death of about 1,000, 2,000, 3,000?,” ayon sa Pangulo. (Elena L. Aben at Beth Camia)