DAVAO CITY – Isang 13-anyos na babae ang bago at pinakabatang kaso ng human immunodeficiency virus (HIV), ayon sa Reproductive Health Wellness Center (RHWC) ng lungsod na ito.

Sinabi ni Gloria Serano, nurse sa RHWC, na ang dalagita ang pinakabata sa 1,661 na pasyente ng HIV sa record ng center.

Ayon kay Serano, hindi taga-Davao City ang dalagita, ngunit sa lungsod siya nagpositibo sa HIV makaraang makitaan ng skin rashes sa buong katawan.

“Nagbabakasyon lang siya rito. Dinala siya ng Tita niya sa center para sumailalim sa HIV test, hanggang sa makumpirma ngang mayroon siya nung virus,” sabi ni Serano, idinagdag na inamin ng dalagita na nakipagtalik ito nang walang proteksiyon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa 1,661 kaso ng HIV sa center, 771 ang nasa edad 25-34; 663 ang 15-24 anyos; 193 ang 35-49 na taong gulang; at 52 ang 50 anyos pababa. Mayroon ding dalawang kaso na edad 15 pababa. (PNA)