HOBOKEN, N.J. (Reuters) – Inararo ng isang commuter train ang istasyon sa New Jersey sa rush hour nitong Huwebes ng umaga, na ikinamatay ng isang babae sa platform, at mahigit 100 iba pa ang nasugatan. Bumagsak ang bahagi ng bubungan at nagkalat ang mga debris sa istasyon.

Inilarawan ng mga saksi ang nakakapangilabot na eksena nang bumangga ang harapan ng humahagibis na tren sa track stop ng Hoboken terminal. Nabuwal ang support columns at nagkagulo ang mga tao.

Nagmula ang train #1614 sa bayan ng Spring Valley sa New York state at nasa dulo na ang isang oras na biyahe nito nang bumangga. Nasa track five ito nang tumama sa Hoboken terminal building dakong 08:45 a.m. EDT (1245 GMT).

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline