sam-angel-at-zanjoe-copy

MAY paliwanag si Sam Milby sa mga nagtatanong kung hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang gay role na may boyfriend sa The Third Party.

“Walang hesitation kasi nga as an actor, you’ll always look for different role to challenge yourself, so no hesitation,” sabi ni Sam.

Hindi siya nag-alala na baka mabuhay ‘yung dating isyu na bading daw siya.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

“Ako kasi, I’m comfortable with my sexuality and I think if I were someone that were trying to hide that about me, I don’t think I would do a role that would expose that part. People think whatever they want,” katwiran ng aktor.

Kaya ba niyang gawin ang love scene at kissing scenes ng dalawang lalaki sa Brokeback Mountain?

“It’s a light movie kaya gusto ko at ginawa namin ni Zanjoe (Marudo) maging believable ‘yung love namin sa isa’t isa.

Parang hindi ko ma-imagine na gawin ‘yung sa Brokeback Mountain na sobrang seryoso na heavy drama ‘yun,” sagot ni Samuel.

Wala ba silang lambingan o kissing scene ni Zanjoe sa Third Party?

“There’s a few na sweet scenes kami, parang awkward talaga, pero in-enjoy namin, pinagtawanan lang namin talaga,” sey ni Sam.

Paano kung kailangang may bed scene?

“Basta hindi lang katulad nu’ng sa Brokeback Mountain na sobrang laplapan,” katwiran ng aktor.

Inamin ng kanilang direktor na si John Paul Laxamana na kinikilig ito kina Sam at Zanjoe dahil malakas daw ng chemistry nila.

E, may dahilan naman pala para matulala na lang si Angel Locsin sa background dahil maganda raw ang relasyon at pag-arte ng dalawang leading man niya sa Third Party.

Samantala, paalis ng Pilipinas si Sam dahil gusto niyang dalawin ang girlfriend niyang si Mari Jasmine na kasalukuyang may modeling stint sa ibang bansa.

Kaya panay ang taping ni Sam ng Doble Kara para hindi maapektuhan ang takbo ng istorya at ang mga eksenang kasama siya. (Reggee Bonoan)