Sinabi ni Speaker Pantaleon Alvarez na posibleng may kinalaman ang naganap na riot sa New Bilibid Prisons (NBP) sa imbestigasyon ng House Committee on Justice tungkol sa talamak na illegal drugs sa bilangguan.

Ayon sa report, napatay sa riot ang drug convict na si Tony Co, samantalang ang top drug lord na si Peter Co ay nasugatan, at umano’y nasa kritikal na kondisyon.

Isa pang high-profile inmate, si Jaybee Sebastian ay, ang grabe ring nasugatan, ngunit nasa stable condition na.

“Well that is sad because apparently there are forces na ayaw na mag-testify ‘yung si Jaybee Sebastian. Tignan natin ‘yung motibo kung sino, ‘yung ayaw na malaman siguro ‘yung katotohanan,” ani Alvarez.

National

'First time in a decade!' PBBM, ibinida nadiskubreng natural gas sa Malampaya field

Sinabi ni Alvarez na hindi regular na nangyayari ang pananaksak sa loob ng bilangguan na sangkot ang mga high-profile inmates. (Bert de Guzman)