Aminado ang Department of Health (DoH) na nananatiling public health threat pa rin sa bansa ang rabies na nakukuha sa kagat ng aso.

Gayunman, sinabi ng tagapagsalita ng DoH na si Dr. Enrique ‘Eric’ Tayag na target nilang maideklarang rabies-free ang Pilipinas sa taong 2020.

Ayon kay Tayag, kumpiyansa silang sa pagsapit ng naturang taon ay ligtas na sa rabies ang bansa, bunsod na rin ng maigting na kampanya para labanan ito.

Ang pahayag ay ginawa ni Tayag kasunod ng paggunita sa World Rabies Day nitong Miyerkules.

National

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

Ayon kay Tayag, kailangang alalahanin ang naturang araw upang mabigyan ng sapat na awareness ang publiko laban sa rabies. (Mary Ann Santiago)