pba-copy

Laro Ngayon

(Smart- Araneta Coliseum)

7 n.g. – SMB vs Ginebra

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

2-1 bentahe sa serye, sa Kings o Beermen?

Walang nakalalamang. Patas ang laban.

Inaasahang itataas ng magkabilang kampo ang level ng katatagan para makuha ang kapirasong bentahe sa pagtutuos ng defending champion San Miguel Beer at crowd-favorite Ginebra Kings sa Game 3 ng OPPO-PBA Governors Cup best-of-five semifinal series ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Balik sa plano at paghahanda ang magkabilang kampo matapos maitabla ng Beermen ang serye sa makapigil hiningang 95-92 panalo sa Game 2 Miyerkules ng gabi sa Big Dome.

Nakatakda ang duwelo ganap na 7:00 ng gabi.

Nakuha ng Kings ang series opener, 115-108, ngunit naagaw ng Beermen ang momentum sa malaking panalo sa Game 2.

"We hope this win can give us momentum which is hard cause we keep on adjusting," pahayag ni Austria.

Ngunit, para kay Ginebra mentor Tim Cone, hindi na bago ang sitwasyon sa Kings.

"It's kind of easy and get back after you lose. It's a little bit harder after you win. It's something we still have to learn as a group," aniya.

Kinagiliwan ng jumpacked-crowd ang maaksiyong laro sa Game 2 kung saan dikit ang duwelo sa krusyal na final period matapos ang palitan ng bentahe at scoring run ng magkabilang kampo.

May pagkakataon ang Kings na maipuwersa ang overtime, ngunit humalik lamang sa rim ang three-point shot ni import Justin Brownlee.

Nanguna sa Beermen si import Elijah Millsap sa naiskor na 25 puntos, habang nag-ambag si June Mar Fajardo ng 18 puntos, 23 rebound at dalawang block.

Iskor:

San Miguel (95) – Millsap 25, Fajardo 18, Cabagnot 13, Tubid 10, Lassiter 8, Ross 8, Santos 7, De Ocampo 6, Reyes 0, Semerad 0

Ginebra (92) – Tenorio 22, Brownlee 18, Caguioa 11, Mercado 11, Mariano 10, Aguilar 9, Thompson 7, Cruz 4, Devance 0, Marcelo 0

Quarterscores:

24-18, 51-40, 72-71, 95-92