ISRAEL (AFP) – Nagpaalam ang mga lider ng mundo kay Israeli ex-prime minister at Nobel Peace Prize winner Shimon Peres sa libing nito noong Biyernes na dinagsa ng tinatayang 50,000 kataong nakikidalamhati.

Kabilang sa mga lider na dumalo sa Mount Herzl national cemetery ng Jerusalem sina US President Barack Obama, Prince Charles, Palestinian President Mahmud Abbas, Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, dating US president Bill Clinton, at mga lider at kinatawan mula sa 70 bansa.

Pumanaw si Peres noong Miyerkules sa edad na 93.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na