HANOI — Hindi nag-aalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y pagbagsak ng stock market.
Sinabi ng Pangulo na hindi siya naniniwala sa stock market, at maging ang mga dayuhang namumuhunan ay pwede rin umanong lumayas sa bansa.
“Sabi tinatanggal daw ninyo ‘yung pera ninyo. Alam mo ‘yang sa stock market hindi naman ako maniwala diyan. Puro papel man ‘yan, shares of stock,” sinabi ni Duterte sa Filipino community dito nitong Miyerkules ng gabi.
Sa pahayag ng foreign credit rating agency na Standard and Poor’s, sinasabing apektado ng kampanya ng Pangulo laban sa illegal drugs ang lokal na ekonomiya ng bansa. Mahihirapan din umanong umangat ang credit rating ng bansa sa loob ng dalawang taon dahil sa hindi mabatid na domestic at foreign policies ng Pangulo. (Genalyn D. Kabiling)