Mas pursigido ang La Salle na mapanatili ang malinis na karta sa suspension ni coach Aldin Ayo.

Nararapat lamang na manatiling palaban ang Green Archers dahil sunod na naghihintay sa kanilang kahinaan ang mahigpit na karibal at perennial contender Ateneo Blue Eagles.

“We have to be aggressive and remained united. Played like a team, at huwag hayaan na maging overconfident,” pahayag ni La Salle assistant coach Siot Tanquincen.

Inaasahang gagabayan ni Tanquincen at iba pang coaching assistant ang Archers sa pagkawala ni Ayo na awtomatikong suspendido ng isang laro matapos mapatalsik sa laban sa panalo kontra University of the East, 84-78, nitong Miyerkules.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Nadala ng emosyon si Ayo, gumabay sa Letran Knights sa NCAA title sa nakalipas na season, matapos ang magkakasunod na non-call mula a referee at halos isubo kay referee Eric Viray ang sunglasses bilang protesta.

“No comment. I have nothing good to say so I won’t say anything,” pahayag ni Ayo sa post-game ambush interview.

Sa kabila ng pagkawala ni Ayo, nakumpleto ng Archers ang target na No.6 win nang gapiin ang Warriors, 84-78.

Nadagit naman ng Ateneo Blue Eagles ang ikalawang sunod na panalo sa anim na laro sa impresibong 79-64 panalo kontra University of the Philippines Maroons.

Iskor:

DLSU (84) — Mbala 19, Baltazar 14, P. Rivero 11, Montalbo 9, Caracut 9, Teng 7, Melecio 5, Torres 4, Go 4, Perkins 2, Tratter 0, Paraiso 0, R. Rivero 0.

UE (78) — Pasaol 22, Batiller 13, Varilla 8, Derige 8, Manalang 7, Palma 7, De Leon 4, Bartolome 4, Penuela 4, Charcos 1, Gagate 0, Olayon 0, Abanto 0, Armenion 0, Acuno 0.

Quarterscores:

25-15, 44-30, 62-55, 84-78. (Marivic Awitan)