sam-angel-at-zanjoe-copy

“BAGO for me, para akong grade one sa mga eksena ko, pero there’s a part of it na, ‘uy, very refreshing’,” simulang kuwento ni Angel Locsin nang hingan ng komento sa role niya sa The Third Party pagkatapos ng Q and A sa press launch ng unang pelikula sa Star Cinema ng indie filmmaker na si Jason Paul Laxamana.

“Ang sarap na uuwi kang nakatawa, hindi mo kailangang umuwi na magang-maga ang mata mo kasi mabigat ang role at gusto ko kasi ganito rin naman ako sa totoong buhay at maski na may problema, hindi ko naman talaga ipinapakita na kapag may pumatak na luha, pupunasan mo naman talaga, mas real, mas totoo.”

Ito ang unang romantic-comedy film ni Angel, sobrang light kumpara sa mga pelikulang nagawa na niya sa buong karera niya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Sanay kasi ako sa intense, di ba? Kaya nakakapanibago talaga,” sabi pa niya.

Nanibago rin si Angel na napakabilis nilang nagawa ang Third Party.

“Kasi end of July ito inumpisahan, so, ito yata ang pinakamabilis kong nagawa sa Star Cinema.”

Masarap ang hagikhikan, tawanan at kilig nang ipalabas ang full trailer ng Third Party sa presscon dahil sa mga eksena nina Sam Milby at Zanjoe Marudo na sweet-sweet-an habang naghihimutok naman sa background nila si Angel.

“Actually, nao-OP (out of place) na nga po ako sa kanila, ganu’n sila kagaling dahil ‘yung chemistry nila, kakaiba. Hindi nila pinag-uusapan, they’re very professional po kasi at ‘yung respetong ibinibigay nila du’n sa characters. 

“Oozing with sex appeal talaga silang dalawa talaga, medyo suwerte talaga ako sa set, eh,” kuwento ni ‘Gel.

Kaya ang isa sa mga itinanong sa aktres, ano ang mararamdaman niya kung sakaling matuklasan niya na tulad sa kuwento ng Third Party, may boyfriend pala ang ex-boyfriend niya.

“Hindi ko pa masagot ngayon kasi hindi ko pa siya ma-imagine, kagaya nga po ng sinabi ni Beauty (Gonzales), sana hindi naman po ito mangyari. 

“Mahirap magsalita ng tapos, kasi halos lahat tayo medyo tanga sa pag-ibig, di ba? Kaya siguro kapag nangyari ‘yun, saka na lang ako makakapagsalita.

“Ang pag-ibig kasi walang pinipili, walang gender, walang size, walang past, walang anything, basta ‘pag mahal mo ang tao, ‘yun ang sa akin.”

Matatanggap ba niya kung sakaling mangyari sa kanya ang kuwento ng pelikula at masasabi rin ba niyang, ‘So, you’re the boyfriend?’

“Sana po, hindi mangyari sa amin. Napakalawak kasi ng love for me, love kasi walang boundaries, walang limitations, walang anything, so ‘pag tanggap mo ‘yung tao, kahit ano pa man ang past niya, kung anuman ‘yung baho sa kanya dapat tanggapin mo kasi depende ‘yun sa ‘yo kung kaya mong mabuhay na kasama siya. Depende rin sa ‘yo kung kaya mong mabuhay nang wala siya o kaya mong tiisin kung ano siya kasi mahal mo siya,” magandang pahayag ng aktres.

Sa past relationships niya, may hiwalayan din ba na third party ang dahilan?

“Oo, meron. Pero kung kaninuman, sa akin na lang ‘yun,” mabilis na tugon ni Angel.

Sa Oktubre 12 na ang showing nila.

Samantala, sinimplehan namin ng tanong si Angel habang papaalis na ng 9501 Restaurant pabalik ng shooting kung kailan niya sisimulan ang pelikulang Darna na siya pa rin ang gaganap.

“Hindi pa ako makakasagot, ‘Te Reggs kasi may assessment pa, so ipag-pray mo na lang na matapos ‘yun. So far, okay naman ang likod ko, maayos naman,” kaswal na sagot ng dalaga.

Ang assessment na sinasabi ni Angel ay kung gaano kalakas ang katawan niya pagkatapos ng ginawang gamutan sa likod niya at kung papayagan ba siya ng doktor niya para gawin ang Darna na siksik sa aksiyon at heavy moves talaga ang mga eksena. (REGGEE BONOAN)