CEBU CITY – Natusta ang isang apat na taong gulang na lalaki at dalawang-buwan niyang kapatid na lalaki matapos silang hindi makalabas mula sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Talamban sa siyudad na ito, nitong Miyerkules ng hapon.

Naiwan si Terence John Llorag, 4, at kapatid niyang sanggol na si Bryle Cedric sa pangangalaga ng kanilang tiyuhin habang nagtatrabaho ang kanilang ina sa karatig na barangay bilang kasambahay.

Ipagdiriwang sana ni Terence ang ikalima niyang kaarawan sa susunod na linggo.

Sinabi ng tiyuhin ng magkapatid na si Ryan na natutulog siya sa unang palapag ng two-storey na bahay nang magising siya sa hiyawan ng kanyang mga pinsan, kaya dali-dali siyang umakyat sa ikalawang palapag upang iligtas ang kanyang mga pamangkin.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Gayunman, huli na umano ang lahat dahil naglalagablab na ang silid na kinaroroonan ng magkapatid nang akyatin niya ito.

Ayon sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa isang silid sa ikalawang palapag, pasado 12:00 ng tanghali.

Sinabi ni FO3 Novo Erana na posibleng nagmula sa nag-overheat na ceiling fan ang sunog o maaari ring naglaro ng posporo ang biktima.

Batay sa record ng Department of Social Welfare Services ng Cebu City Hall, 27 bahay ang natupok sa sunog, at nasa 40 pamilya o 200 indibiduwal ang nawalan ng tirahan. (Mars W. Mosqueda, Jr.)