HANOI --- Marami pa umanong titimbuwang sa anti-illegal drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan hindi na siya magbibilang pa ng dead bodies, lalo na’t 4 milyon ang adik sa Pilipinas.
Ito ang binigyang diin ng Pangulo, kasabay ng pagkumpirma na 11 police generals at 14,000 pulis ang nakalubog sa illegal drug trade.
“I have to protect the people, I have to protect the integrity, territorial or otherwise, of my country. With this kind of problem four million drug addicts, tingnan mo ngayon, namatay na, wala na, down ang crime and I intend to kill more because I have to account for these four million (drug addicts),” ayon sa Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na hindi niya papayagang maging 10 milyon ang adik sa bansa, kaya tuloy ang pagtumba sa mga sangkot sa droga kahit makulong siya pagkatapos ng termino niya.
Sa pagtaya ng Pangulo, kung ang 3 milyong adik ay bumibili ng P200 droga kada araw, umaabot sa P216 bilyon ang umiikot na drug money kada taon.
Binigyang diin ng Pangulo na malala na ang illegal drug trade sa bansa, kung saan bukod sa malaking bilang ng mga opisyal at tauhan na sangkot sa droga, 35 percent umano sa hanay ng barangay captains ang sangkot din dito.
“I have declared war against the drugs. Either I sink and swim there basta it has to end and I will not stop until the last pusher is removed from the streets,” ayon sa Pangulo. (Genalyn D. Kabiling)